Andrew E. "Ang Pasko Ay Sumapit" |
Verse 1: Minimithing araw, ito'y nalalapit Pasko at ang araw ay sumapit Besing-busy at lahat ay masaya Madaling araw pa lang, lahat gising na Baket?, siyempre, simbang gabi Kelangan bumuo siyam na gabi At para mabuo konting tiis Kelangang kumpleto at walang mintis, Pero 'wag mag-alala, sarap naman di ba? Pagkatapos ng misa, may bibingka, Puto bumbong at saka kutsinta, Mga ganito sa Amerika wala, Kaya lahat ng mga taga-states ay umuuwi, Pagdating ng Pasko, di pwedeng hindi, Ito ang kanilang miss na miss, Pag-uwi ng Pilipinas oh, anong tamis... CHORUS: Ang Pasko ay sumapit, tayo ay mangagsi awit Ng magagandang himig, dahil sa Diyos ay pag-ibig, Ng si Kristo'y isilang may Tatlong Haring nagsidalaw At ang bawat isa ay nag si paghandog ng tanging alay. VERSE 2: Gabi-gabi, may dumarating Grupo-grupo nangangarolling Bata't matanda kumakanta Tinatambol ang mga lata, Ina-awit mga Christmas songs, Pero kung hi-tech, karaoke, sing-along Don't get me wrong, pagdating sa aginaldo Sa ilalim ng Christmas tree mga regalo, Kumpleto ang buong pamilya, Walang hihigit kung sama-sama Kumakain ng champorado, 'Tsaka home made siopao na asado, Nagkukwentohan, nagtatawanan, Natutuksohan pero walang pikunan, Nagmamahalan nagkakaisa Pag ang Pasko ay malapit na. Repeat Chorus: VERSE 3: Lahat ng magkaaway nagbabati, Ngiti at 'di galit ang sinusukli, Buong taon nag-i-isnaban, Pero ngayon ay nagpapansinan, Lalung-lalo na ang mga nagliligawan Buong taon ay nagtatampohan, At yon lang naman talaga ang dahilan Ang Pasko ay pagmamahalan, Mahalin ang kapwa, utos satin ng naglikha, Ibinigay nya tanging anak sa atin Para ipadama ang pag-mamahal sa atin, Tandaan ang tanging dahilan, Bakit ang Panginoong Hesus ay isinilang, Para tayong lahat ay turuan, Na tayong lahat, iisang pinanggalingan... Repeat Chorus (2X) Lyric from www.lyricmania.com |